Mga Tula ng Buhay PDF Print E-mail
Monday, 22 October 2007
ImageMga Tula ng Buhay

To friends and their friendships. May there be no abuse on either side.
Written on the 11th of November 2006.

-Chinkai
 Kaibigan


Kaibigan ikaw ang aking sandigan
Sa bawat oras na ika’y kinakailangan
Balikat mo ang aking sandalan
Sa tuwing ako’y pinanghihinaan.

Salamat, sa buhay ko ikaw ay nariyan
Kung wala ka’y baka di ko makayanan
Mga sakit na aking nararanasan
Damdamin ko’y iyong pinagagaan.

Paano ba kita mapapasalamatan
Sa lahat ng iyong mga kabutihan
Di ko alam kung paano masusuklian
Pagmamahal na mula sa ‘yo kaibigan.

Tunay na ika’y may pusong ginintuan
Poong Maykapal ikaw sana’y biyayaan
Ng hinahangad mong tunay na kaligayahan
Totoong magmamahal, iyo nang matagpuan.

At kung sakali mang ako’y iyong kailanganin
Nandirito lang, ako’y iyong tawagin
Kahit anong oras, ako ay darating
At gagawin anuman ang iyong naisin.
  

 


 

Pasaway Quote of the Day:

 


Tandaan mo lang na palagi akong nasa likuran mo,
mahulog ka man sa bangin huwag kang matakot dahil ‘di ka nag-iisa.
‘di man kita kayang hilahin pataas,
kaya ko namang sumigaw ng:    . . . . . .“Help!, help!”
May engot na nahulog sa bangin.”

  

- Sheilla

 
< Prev   Next >