Tula ng Buhay PDF Print E-mail
Wednesday, 23 May 2007

ImageTo become a nurse had been one of her dreams. She did not become one but she achieved the other dream which was  to go abroad and provide her family with a better life.

She had been a contributor of tagalog poems some of which you can view at www.emanila.com. The latest was “Hanggang Kailan” on October 5, 2006.

Paglimot

Bukambibig ay ikaw sa tuwi-tuwina
Ikaw ang laging hanap nitong mga mata.
Kahit na kay layo mo sa ‘kin sinta
Nandito lang ako, sana iyong madama.

Makita kang maligaya sa piling niya
Ito’y sapat na para ako’y sumaya.
Nais ko lang ay pagmasdan ka
Kahit sa kalayuan itoy’ okey na.

Hindi pa rin kita malimot
Sa sarili ako’y nayayamot
Mundo ko sa ‘yo lang umiinog
Sa luha’y nais ko nang malunod.

Mahal na mahal pa rin kita
Ikaw lamang at wala nang iba
Kahit panahon ay lumipas pa
‘Di magbabago aking nadarama.

-    chinkai




Tumabi ako sa ‘yo at huminga ng malalim. Tinanong mo ako, bakit?  Ngumiti ako . . . nagtanong ka ulit. . . .bakit nga? …. At bakeet . . ? Masama bang huminga?  Sheilla

 

 
< Prev   Next >